Nanay ni Senador Antonio Trillanes na si Ginang Estelita Trillanes, paiimbestigahan ni Pangulong Duterte sa isyu ng korapsyon

 

Idinamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagresbak kay Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang nanay na si Ginang Estelita Trillanes.

Sinabi ng Pangulo na kaya niyang ipa-subpoena si Ginang Trillanes para pagpaliwanagin sa mga kuwestiyonableng transaksyon nito noong naglilingkod pa sa Procurement Department ng Philippine Navy.

Ayon sa Pangulo, napipikon na siya kay Trillanes dahil sa patuloy na pagbanat nito sa first family.

Maguginitang inihayag ni Trillanes na huwag ng idamay ang kanyang ina na 84 anyos na at may sakit pa.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *