National ID System Law, protektado ng Data Privacy Law- Malakanyang

 

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng mga grupong tutol sa National ID Law hinggil sa isyu ng privacy.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na bago naging ganap na batas ang National ID Law ay umiiral na ang data privacy law.

Ayon kay Secretary Go, ang National ID Law ay protektado ng data privacy law.

Niliwanag ni Secretary Go na walang dapat ikatakot ang sinuman sa National ID law dahil ang mga inpormasyon na nakapaloob dito ay tulad lamang sa inpormasyon inilalagay sa Philippine Statistics Authority, Social Security System, Government Service Insurance System, Bureau of Internal Revenue at iba pang karaniwang impormasyong kinukuha sa mga tanggapan ng gobyerno.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *