Notorious drug pusher…..patay sa drug buy-bust operation ng PDEA sa Valenzuela city

 

Nakipag -barilan sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency   o PDEA ng makatunog ang target ng drug buy-bust operation  sa St.  Jude St., Malinta, Valenzuela city kagabi si Exequiel Sangco na pulis na pala ang kanyang ka-transaksyon.

Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib puwersa ng PDEA -NCR at  Valenzuela City PNP Special Drug Enforcement unit matapos na makatanggap ng info na muli na naman itong mag-o-operate.

Ang abutan ng droga ay ginawa sa isang tricycle kung saan nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba.

Si Sangco ay dati anilang pulis na nakadestino sa Valenzuela – PNP,  nagretire na anila ito noon pero muli itong nakabalik sa serbisyo,  napag-alaman din na bukod sa droga ay sangkot din ito sa iba pang uri ng krimen.

Napag- alaman din na kabilang si Sangco sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naisugod pa sa ospital si Sangco pero idineklara din itong dead on arrival.

Narekober sa suspect ang 30 grams ng shabu na may market value na 204,000 pesos.

 

Ulat ni Earlo Bringas 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *