NTC inatasan ang mga network providers na alisin muna ang kanilang signal sa palibot ng Batasan Complex habang idinaraos ang SONA

Inatasan ng National Telecommunications Commission o NTC ang mga network provider na Convergence, Smart, Globe, at Digitel na putulin ang kanilang network services sa paligid ng Batasan Complex mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi mamaya bilang bahagi ng seguridad sa idaraos na State of the Nation address ni Pangulong Duterte.

Ayon sa NTC, ang network cut- off ay hiling ng Presidential Security Group.

Nag-abiso na ang Globe sa kanilang mga customers na hindi sila makapag-text, makakatawag o makakagamit ng data, sa nasabing mga oras.

Ayon sa Globe partikular na apektado ang mga subscriber na nasa Batasan Complex, Commonwealth, at Culiat sa Quezon City.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *