Nutritional feeding program para sa mga pre-school children, patuloy na isinasagawa ng DOH-MIMAROPA

Mahigit sa limang daang  pre school children sa MIMAROPA ang target ng Department of Health sa naturang rehiyon  na mapagkalooban ng nutrional feeding program.

Sinabi ni DOH MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo na natukoy na nila ang isang daang mga mag-aaral  sa  lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan na undernoursihed.

Layunin aniya na ma-improve ang nutrition status ng mga batang undernourished mula sa pagiging underweight  o mas malala pa ang undernourished  sa loob ng siyamnapung araw.

Ayon  pa kay Janairo, ang full meal na nagkakakahalaga ng otsenta pesos  bawat araw kabilang ang snack sa umaga ay ipagkakaloob sa mga piling mag aaral  na may edad anim hanggang pitumput isang buwan  na naitalang may mababang timbang at taas batay sa kanilang edad.

Kabilang sa piling munisipalidad na kasama sa programang tinawag na  “oplan kain sigla” na nagsimula bilang “eat to nourish approach” ay ang Socorro,  sa Oriental Mindoro, Abra de Ilog sa  Occidental Mindoro,  Sta. Cruz Marinduque,  Sta . Fe sa Romblon  at Aborlan sa Palawan.

Binigyang diin ni Janairo na  ang 90 day program  hindi kabilang ang sabado at linggo ay naglalayong  maipagkaloob ang 30 – 50%  ng total caloric  need na pangangailangan ng undernoursihed pre schoolers  ay sa pagitan ng 1,000 hanggang  1, 400 calories bawat araw.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *