Presyo ng manok at iba pang poultry products walang pagtaas ayon sa Malacanang

Tiniyak ng Malacañang na hindi magkakaroon ng pagtaas ng persyon ng karne ng manok at iba pang poultry products sa mga pamilihan sa kabila ng avian flu outbreak sa Pampanga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, walang price increase sa mga poultry products dahil iisang lugar lang naman ang apektado ng avian flu.

Sa ngayon ilang ahensya na ng gobyerno ang nagmo-monitor sa posibleng pagsasamantala ng ilang negosyante sa sitwasyon.

Kaugnay nito, titiyakin din ng pamahalaan na pawang mga hindi kontaminadong karne ang maibebenta sa mga palengke.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *