Oil price hike, asahan muli sa susunod na linggo

Posible umanong magtaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DoE), nasa P0.30 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang ang diesel ay may umento na aabot sa P0.10 kada litro.

Ang kerosene ay may dagdag presyo rin na aabot sa P0.15 kada litro.

Ito na ang ikalimang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong taon.

Base sa data ng DoE, naglalaro sa ngayon sa P32.98 hanggang P39.10 ang presyo ng kada litro ng diesel at P39.40 hanggang P49.40 naman sa kada litro ng gasolina.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *