Pahayag ni UN Rapporteur Agnes Callamard na “murder” ang pagkakapatay kay Kian Delos Santos, binatikos ng PNP

Umalma ang Philippine National Police o PNP sa naging pahayag ni United Nations special rapporteur Agnes Callamard na isang kaso ng murder ang pagkakapatay ng mga pulis kay Kian delos Santos habang nagsasafawa ng Oplan Galugad sa Caloocan City.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi muna dapat husgahan ang kaso at mas makabubuting hayaan na lamang gumulong ang imbestigasyon kaugnay sa kasong kriminal na isinampa laban sa apat na pulis na umano’y suspect sa pagpatay sa binatilyo.

Hinimok rin ni Carlos si Callamard na hayaan ang mga akusadong pulis na madepensahan ang kanilang mga sarili sa korte.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *