OTIS bridge sa Maynila, isinara muna sa mga motorista

Sarado na sa mga motorista ang otis bridge sa Paco, Manila matapos magkaroon ng bitak kaninang madaling araw.

Ayon kay DPWH Engr. Mike Makud, 50 taon na ang nasabing tulay at mayroon na aniyang pondo na 37 milyong piso noon pang 2016 pero hindi naipatutupad dahil na rin sa trapiko na mararanasan ng mga motorista sa President Quirino Avenue kayat ipinagpaliban ang pagkukumpuni ng naturang tulay.

Paliwanag ni Engr Makud tatagal hanggang 18 buwan ang pagsasaayos ng tulay pero kung hihingi sila ng clearance sa MMDA para sa total closure ng tulay matapos na bumigay ang girder o biga ay mapapadali nila ang paggawa na tatagal lamang ng siyam na buwan.

Dagdag pa ni Engr. Makud na bumigay ang tulay ay dahil na rin sa kalumaan kaya hindi nila pinapayagang dumaan ang mga malalaking sasakyan sa naturang tulay.

Payo nito sa mga motorista pwede silang humanap na alternatibong daan at pwedeng dumaan din sa Espana, Plaza Dilaw, Osmena Hiway o kaya sa San Marcelino sa Ermita Manila patungo sa kanilang mga destinasyon.

Ulat ni Jerold Tagbo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *