Pacquiao – Horn rematch tuloy pa rin

Nilinaw ni Filipino boxing champion at Sen. Manny Pacquiao na hindi kanselado ang planong rematch kay Australian Boxer Jeff Horn.

Ito ay sa kabila ng mga lumutang na ulat na umatras na si Pacquiao sa ikinakasang laban.

Sinabi ni Pacquiao na tuloy pa rin ang rematch at sa ngayon ang kailangan na lamang pag-usapan ay ang venue.

Pinag-uusapan aniya na gawin sa Pilipinas ang laban, at hindi sa Australia.

Una nang iniulat ng Agence France Presse na umatras na si Pacquiao sa nasabing rematch kay Horn, at naghahanap na ngayon ang Australian boxer ng ibang makakalaban.

Sakali naman maganap sa Pilipinas ang rematch, sinabi ni Pacquiao na handang sumuporta dito ang Department of Tourism at maging si Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *