Pagbaba sa puwesto ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, tinanggap na ni Pangulong Duterte

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ni PNP Chief General Oscar Albayalde na bumaba sa puwesto.

Ito ang kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Si Lt. General Archie Gamboa, PNP Deputy Chief for Administration ang otomatikong magsisilbi bilang PNP Chief OIC hanggang hindi pa nakakapili si Pangulong Duterte ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya.

Batay sa pahayag ng Pangulo, hindi muna niya aaksyunan ang isyu ng Ninja Cops at isyu tungkol kay Albayalde at aantayin na lang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *