Pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump, tuloy na

Tuloy na ang pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, batay sa ibinigay sa kanilang schedule ng US government, nakatakdang dumating sa Pilipinas si Trump sa Nobyembre 12 upang dumalo sa special gala celebration ng 50th anniversary ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Dadalo rin aniya ang Pangulo ng Amerika sa ASEAN–US Summit sa Nobyembre 13.

Dagdag ni Abella, tinatrabaho na din nila ang posibleng paghaharap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Trump para sa isang bilateral meeting.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *