Malacañang humingi ng pang-unawa sa epekto ng mahabang special non working days

Humingi ng pang-unawa ang Malakanyang sa grupo ng mga negosyante sa epekto ng mahabang special non working days.

Sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Anna Marie Banaag na mayroong ginagawang hakbang ang Department of Labor and Employment upang hindi gaanong mapinsala ang operasyon ng mga negosyo sa bansa sa panahon ng special non working days na idineklara ng pamahalaan.

Ginawa ni Banaag ang pahayag bilang tugon sa concern ng Employers Confederation of the Philippines na masama sa ekonomiya ang pagkakaroon ng mabang non working days.

Ayon kay Banaag kailangang magsakripisyo dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagkakaroon ng mahabang special non working days.

Magugunitang mula November 13 hanggang November 15 ay special non working days dahil sa isasagawang ASEAN summit sa bansa at wala ring pasok sa November 16 hanggang 17 dahil sa deklarasyon ng Metro Manila Council.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *