Pagbubulgar ni Peter Advincula alyas Bikoy na si Senador Trillanes at Liberal Party ang nasa likod ng mga video, dapat suportado ng ebidensya – Malakanyang

Hindi agad pinaniniwalaan ng Malakanyang ang pagbaligtad ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na nagbubulgar ngayon na si Senador Antonio Trillanes at ang Liberal Party ang nasa likod ng Bikoy Video na may pamagat na Ang Tunay na Narcolist na nagdadawit sa first family sa isyu ng iligal na droga.

Sa Press Briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bahala ang Philippine National Police o PNP na hanapan ng ebidensiya si Bikoy hinggil sa pagdadawit nito kay Trillanes at Liberal Party.

Ayon kay Panelo magiging kapanipaniwala ang akusasyon ni Bikoy laban sa oposisyon kung masusuportahan niya ito ng mga ebidensiya.

Batay sa pagsisiwalat ni Bikoy sa Kampo Crame ang Bikoy video at ang Project Sodoma na naglalayong ibagsak ang Duterte administration ay pawang pakana ng oposisyon na kinabibilangan nina Senador Trillanes, Risa Hontiveros, Vice President Leni Robredo, ilang religious group at ang mga kandidato ng Otso Diretso sa nakalipas na midterm elections.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *