Pagkain ng itlog, ikinampanya ng DOH partikular sa mga bakwit

Kung merong kasabihan na  “an apple a day, keeps a doctor away”.

Naglunsad  naman ang Department of Health ng programang tinawag na “an  egg a day, keeps a doctor away”.

Ito ay dahil sa nais ng DOH na  mabigyan ng sapat na nutrisyon lalo na ang mga batang  may edad lima hanggang  labing apat na taong gulang na siyang sakop ng nabanggit na programa.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, nakababahala na ang  madalas na kinakain ng mga bakwit ay noodles,  at mga de lata na walang sustansiyang idudulot sa katawan bagkus mataas pa ang posibilidad na magdulot pa ng sakit lalo na sa panig ng mga bata.

sinabi ni ubial na ang programang nabanggit ay tatagal  hanggang sa makabalik  ang mga evacuees sa kani kanilang tahanan.

Samantala, batay sa mga pag aaral,   maituturing na “superfoods” ang itlog dahil marami itong taglay na nutrients  at vitamins  na makatutulong sa kalusugan.

Kabilang sa benepisyong taglay ng itlog ay  mayaman sa vitamin  b,c,d, e, k at maraming iba pa.

Taglay din ng itlog ang anim na gramo ng protina kung kaya’t mainam na pagkunan ito ng protein na kailangan ng katawan.

Kaya naman, maging tayo na hindi bakwit, ugaliin nating kumain ng itlog isang beses sa isang araw.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *