Pagpapalabas ng Oust Duterte matrix, preemptive move laban sa mga gustong ibagsak ang gobyerno- Malakanyang

Ginawa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat na hakbang para mapigilan ang mga grupong nagbabalak ibagsak ang gobyerno kaya inilabas ang oust Duterte matrix.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo pangunahing tungkulin ng Pangulo na protektahan ang gobyerno laban sa mga gusto itong agawin.

Ayon kay Panelo antayin na lamang ng publiko at unti-unti ng naaalisan ng maskara ang mga taong nais ibagsak ang gobyerno gamit ang Bikoy video kung saan idinadawit ang ilang media personalities, grupo ng mga abogado at ilang militanteng mambabatas.

Inihayag ni Panelo na nagsasagawa na ng masusing inbestigasyon ang National Bureau of Investigation o NBI matapos makuha si Rodel Jayme ang uploader ng Bikoy video sa social media.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *