Pagpasok sa bansa ng mga Middle Eastern nationalities na gumagamit ng pekeng Spanish at Belgian passport iimbestigahan ng NBI

Hiniling ng Bureau of Immigration na imbistigahan ang sunud-sunod na pagpasok sa bansa ng Middle Eastern nationalities na gumagamit ng pekeng Belgian at Spanish passports.

Sinabi ni Immigration Port Operation Division chief Red Mariñas, partikular na sisiyasatin ng NBI ang ilang kawani ng airline at airport na posibleng kasabwat ng international human trafficking syndicate.

Anya ang sampung dayuhan na kanilang naharang sa NAIA sa nakalipas na ilang linggo ay sakay ng Thai Airways at Malaysian Airlines.

Ayon sa BI official, ginagamit ng sindikato ang Pilipinas bilang transit hub patungo ng United Kingdom lalo nat mayroon direct flight na mula Manila papuntang ng UK.

Kabilang sa mga nasyonalidad na gumamit ng pekeng Belgian at Spanish passports na naharang ng immigration officers sa NAIA ay pitong Iranians, isang Somalian at dalawang Chinese.

Kaugnay nito, mas naghigpit pa ang BI sa pag-eksamin sa mga travel document ng mga dumarating na banyaga partikular ang mga galing sa Middle East pero gumagamit ng European passports.

ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *