Mahigit isangdaang libong pisong halaga ng ibat ibang uri ng illegal na paputok nasamsam ng QCPD Special Operation Unit

Arestado ang tatlong katao matapos magtangkang magpuslit ng higit dalawang libong piraso ng ibat- ibang uri ng illegal na puputok sa Quezon City kagabi.

Sa isinagawang entrapment operation ng QCPD , kinilala ang mga suspect na sina Alvin Abainza, Danilo Dee at ang ka transaksyon nila na si Maria Celeste Catahan.

Ayon kay Quezon City District Director Guillermo Eleazar walang mga kaukulang permit ang mga nasabing paputok na nabili at ibinebenta lamang sa sikat na online site.

Nang suriin nila ang mga kaukulang resibo ng mga nasabing paputok tila mga peke ito at isinulat lamang sa isang papel at tinatakan.

Sinabi ni Eleazar na sa ilalim ng Exec Order no. 10 o ang city ordinance ng Quezon City, ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng paputok lalo na yung mga illegal at hindi dumaan sa tamang regulasyon.

Mahalaga aniya na legal at naregulate ang mga nagbebenta at ibinebentang mga paputok upang maiwasan ang anumang sakuna dahil sa hindi regulated na fire cracker products.

Kailangan din na sinusuri muna kung sino ang dapat bigyan ng permit para makapag benta ng paputok.

Pinaalalahanan din ni Eleazar na sa darating aniya na December 30 at 31 ay mas paiigtingin pa aniya ng QCPD ang police visibility sa lungsod upang masiguro na walang lalabag sa city ordinance ukol sa paggamit ng illegal na paputok sa lungsod.

samantala kakasuhan naman ng paglabag sa city ordinance ang mga nahuling suspect dahil sa pagpupuslit ng mga ipinagbabawal, illegal at walang permit na mga paputok.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *