Pagpatay sa isang RTC Judge, kinondena ni CJ Diosdado Peralta

Kinondena ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pagpatay kay Judge Mario Anacleto Bañez ng Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court.

Sa inisyal na report mula sa pulisya, pauwi na sana at minamaneho ng hukom ang kanyang Hyundai Accent nang barilin ng hindi pa kilalang mga salarin bago mag-ala-6:00 ng Martes ng gabi sa Barangay Mameltac sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Isinugod sa Bethany Hospital si Judge Bañez pero idineklarang dead on arrival.

Si Bañez ay 54 na taong gulang.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Nanawagan si Peralta sa mga otoridad na gawin ang lahat at imbestigahan nang mabuti ang insidente para mahuli at mapanagot ang mga responsable sa pagpaslang sa RTC Judge.

Ipinaabot din ng Punong Mahistrado ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Judge Bañez.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *