Pamunuan ng Facebook kinalampag ng Malakanyang dahil sa mga kumakalat na political memes

Naniniwala ang Malakanyang na desperado na ang mga taga oposisyon at mga taga suporta habang papalapit na ang araw ng eleksyon.

Sinabi ni Presidential Salvador Panelo na patunay ang nagkalat na mga memes laban sa kanya sa mga social media posts.

Inihalimbawa ni Panelo ang isang post sa facebook na imahe niya  sa press briefing sa Malakanyang na nasa harap niya ang white board pero sinulatan ito ng mga pangalan ng mga kandidato ng oposisyon at ipinakikitang tila ini endorso niya ang mga kandidato ng Otso Diretso.

Dahil dito kinalampag ni Panelo ang pamunuan ng facebook at umapela na gawin ang kanilang trabaho sa facts cheking at ipakita ang kanilang impartiality o kawalan ng pagkiling.

Ayon kay Panelo bagaman naiintindihan niya na ito ay political meme na uso ngayong panahon ng eleksyon dapat ding tingnan ng facebook dahil nakakasira ng reputasyon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *