Pangako ni Pangulong Duterte na wala nang delay sa NAIA at limang minutong traffic itinulad ni Senador Trillanes sa budol budol scam.

Itinulad ni Senador  Antonio Trillanes sa budol budol scam ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mareresolba ang matinding traffic sa loob ng isang buwan.

Nauna nang sinabi ng pangulo na maaring tumagal na lang ng limang minuto ang byahe mula sa Cubao patungong Makati at mababawasan na rin ang flight delay sa NAIA.

Pero ayon kay Trillanes tulad lang ito ng  pangako ng pangulo na mareresolba ang kaso ng kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan na hindi naman anuya nagawa ni Duterte.

Marami na aniyang pangako ang pangulo na hindi naman natupad at nananatiling biktima ang mga Filipino.

Tinawag pa ni Trillanes na pathological liar ang pangulo dahil sa aniyay patuloy  na pagsisinungaling sa publiko.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *