Wellmed Dialysis Center owner Bryan Sy dinala na ng NBI sa DOJ para sa inquest proceedings

Iniharap sa hukuman ng NBI si Wellmed Dialysis Center owner Bryan Sy na isinasangkot sa ghost dialysis scam.

Inatasan ng Manila RTC Branch 20 ang NBI na dalhin si Sy sa korte matapos maghain ang asawa ni Bryan Sy ng petition for writ of habeas corpus.

Kinukwestyon ng kampo ni Sy ang iligal na pagditene at pagaresto ng NBI sa Wellmed owner dahil walang arrest warrant laban dito ang hukuman.

Iginiit pa ng abogado ni Sy na si Rowell Ilagan na hindi rin pasok sa warrantless arrest ang kaso ni Sy kaya hindi ito dapat inaresto.

Walang inilabas na kautusan ang korte na palayain si Sy pero idineklara nang submitted for resolution ng hukom ang petisyon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *