Pangulong Duterte at bagong Supreme Court Chief Justice de Castro, maghaharap sa Malakanyang

Maghaharap mamaya si Pangulong Rodrigo Duterte  at ang bagong Supreme Court Justice na si Teresita de Castro.

Mangyayari ang pagkikita ng dalawa sa nakatakdang Ceremonial oath taking ni De Castro sa harap ng Presidente mamaya sa Malakanyang.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong maghaharap at magkikita ang dalawa matapos manumpa nitong nakalipas na Martes ang bagong punong mahistrado sa Supreme Court en Banc.

Nitong nakalipas na Sabado kinumpirma ng Palasyo ang pagkakapili ni Pangulong Duterte kay De Castro bilang bago at kauna-unahang babaeng Chief Justice matapos maideklarang ineligible si Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice sa pamamagitan ng Quo Warranto dahil  sa kawalan ng Constitutional qualification.

Si De Castro ay magsisilbi bilang punong hukom ng isang buwan at tatlong linggo lamang.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *