Pangulong Duterte, hindi interesadong sampahan ng kaso ang mga grupo at personalidad sa likod ng Bikoy video

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng kaukulang kaso ang mga personalidad at grupo na sinasabing nasa likod ng Bikoy video.

Sinabi ng Pangulo na ibinulgar lamang niya sa publiko ang black propaganda laban sa kanyang administrasyon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng muling pagpapalabas ng Malakanyang ng bagong mga matrix na nagbubulgar ng mga grupo at personalidad na nasa likod ng Bikoy video.

Magugunitang sa matrix na inilabas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo itinuturo ng Malakanyang ang Liberal Party at Magdalo kasama ang ilang personalidad na nasa likod ng Bikoy video.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *