Pangulong Duterte humirit ng tatlong taong palugit para maramdaman ng publiko ang kampanya kontra kurapsyon

Humingi si Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong taong palugit para maramdaman ang epekto ng kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa National Convention ng mga Public Attorney sa loob ng tatlong taon ay mararamdaman ng publiko ang pagbabago sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo hindi man ganap na mawawala ang katiwalian sa gobyerno malaki ang mababawas.

Inihayag ng Pangulo na hindi niya palalagpasin ang sinumang opisyal ng gobyerno na masasangkot sa katiwalian.

Binigyang diin ng Pangulo na ang Anti Corruption campaign ay kasama sa kanyang  campaign promise na tutuparin niya hanggang matapos ang kanyang termino.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *