Strike kontra transport modernization, kasado na

Plantsado na ang kilos protestang ikinakasa ng ilang transport groups bilang pagtutol sa transport modernization na nais ipatupad ng pamahalaan.

Unang magsasagawa ng kilos protesta ang grupong PISTON o Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide bukas, Setyembre 20 hanggang 21.

Susunod naman ang grupong Stop and Go Coalition na magkakasa ng kanilang pagkilos sa Lunes at Martes ng susunod na linggo, Setyembre 25 at 26.

Sa panig naman ng LTFRB o Land Transporation Franchising and Regulatory Board, sinabi ng Board Member at tagapagsalita nitong si Atty. Aileen Lizada na handa ang kanilang joint quick response team para umalalay sa mga maaapektuhang pasahero.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *