Pangulong Duterte, ibinunyag sa International community sa Sochi, Russia na may dalawang Heneral na sangkot sa iligal na droga

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international community sa Sochi Russia na mayroong dalawang heneral ang nakilipaglaro sa sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na dumalo sa Valdai Forum sa Sochi Russia na nagbigay na siya ng warning sa mga miyembro at opisyal ng pulisya at militar na huwag makikisawsaw sa ilegal na droga.

Hindi nilinaw ng Pangulo kung ang dalawang heneral na kanyang tinutukoy ay pulis o militar.

Bago umalis ang Pangulo para sa limang araw na official visit sa Russia ay kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado ang pagkakasangkot ng mga tinaguriang Ninja cops sa operasyon ng ilegal na droga.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *