Pangulong Duterte, idinaos ang kaniyang kaarawan sa piling ng kaniyang mga apo

Gaya ng kanyang nakaugalian, walang magarbong Birthday celebration si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na tuwing birthday ng pangulo ay kapiling niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga apo.

Ayon kay Secretary Go, ang Pangulo ay mananatili sa Davao hanggang matapos ang holiday.

Magugunitang sinabi ng Pangulo na pagbalik niya sa Maynila sa susunod na linggo ay mayroon siyang sisibakin na mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa ibat-ibang katiwalian.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *