Dobleng bilang ng mga pasahero, inaasahang dadagsa ngayon sa NAIA

Dagsa pa rin ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ngayong araw.

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, ngayong araw ang inaasahan nilang mas maraming pasahero partikular na sa Terminal 3.

3.7 percent increase ang inaasahan aniyang dadagsa sa mga terminal ng NAIA hangang mamayang gabi.

Sa tala ng MIAA sa volume ng mga pasahero, kahapon ang may pinakamalaking bilang ng umalis sa NAIA na umabot sa 131, 992.

Sa ngayon, sinabi ni Monreal na patuloy na nakaalerto ang kanilang mga tauhan para agad umayuda sa anumang pangangailangan ng mga pasahero.

Umaapila naman ang MIAA sa mga pasahero na iwasan na ang mga pagdadala ng mga bagay na ipinagbabawal gaya ng bala para hindi na mahold sa paliparan at maiwasan ang congestion.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *