Pangulong Duterte, magpapahinga sa kaniyang Birthday bukas


Tulog at pahinga lamang ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-73 kaarawan ng kapanganakan.

Ito ang kumpirmasyon ni Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon kay Go, walang party ang Pangulo bagkus mananatili lamang ito sa kaniyang bahay sa Davao City  at magpapahinga kapiling ang kanyang pamilya.

Inihayag ni Go na hindi ugali ng Pangulo na maghanda ng magarbo sa kanyang kaarawan kahit noong Mayor pa siya ng Davao City.

Ipinaabot naman ni Go ang kanyang birthday wish sa Pangulo na sana humaba pa ang kanyang buhay at bigyan pa ng mabuting kalusugan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *