Pasok sa Korte Suprema at Court of Appeals at lahat ng Hukuman sa buong bansa bukas, half-day lang

Kalahating araw lang ang pasok ng mga kawani ng hudikatura sa Miyerkules, bukas, March 28.

Iniutos ni Acting Chief Justice Antonio Carpio  ang half-day na pasok sa lahat ng mga hukuman sa bansa para payagang makapagbiyahe o makauwi ng maaga ang mga empleyado ng hudikatura sa kanilang mga lalawigan ngayong long holiday.

Sakop ng deklarasyon ang Korte Suprema, Court of Appeals at lahat ng mga korte sa buong bansa.

Ang mga kawani naman ng mga korte mula sa mga lungsod at munisipalidad na nagdeklara ng buong araw na suspensyon ay otomatikong wala nang pasok sa Miyerkules.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *