Pangulong Duterte nagbabala ng balasahan sa Bureau of Customs

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng tanggalan sa mga kawani ng Bureau of Customs (BOC).

Ginawa ng Pangulo ang pahayag dahil sa patuloy na korapsyon sa adwana.

Hindi naman idinetalye ng Pangulo kung anong mga posisyon ang kanyang sisisbakin sa BOC.

Ibinabala din ng Pangulo na magtatalaga ng mga retiradong militar sa BOC dahil sa talamak na katiwalian.

Magugunitang ibinunyag noon ng Presidential Anti-Corruption Commision na ang BOC ang isa sa mga nangungunang ahensiya ng gobyerno maraming natatangap na reklamo ng kurapsiyon.

Kamakailan lamang inihayag ni Senador Panfilo Lacson na sa kabila nang pagbabago ng liderato ng BOc ay nagpapatuloy pa rin umano tara system sa nabanggit na ahensiya.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *