Pangulong Duterte, naghamon na patalsikin siya s apuwesto kapag walang magandang mangyayari sa huling tatlong taon ng kaniyang administrasyon

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko at mga kritiko na patalsikin siya sa puwesto kapag walang nangyaring maganda sa Pilipinas sa huling tatlong taon ng kanyang panunungkulan.

inabi ng Pangulo na ayaw niyang maging walang silbing public servant sa huling tatlong taon ng kanyang administrasyon.

Ayon sa Pangulo patuloy niyang isusulong ang mga pagbabago sa pamahalaan  lalo na ang pagbaka sa ilegal na droga, kriminalidad, korapsyon at pagpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng build build build program.

Inaasahang ilalatag ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address o SONA sa July 22 ang 3-year master plan ng administrasyon para sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *