Pangulong Duterte nagpaliwanag sa hindi pagboto sa Barangay Elections

 

Pulitika ang pangunahing rason kaya hindi bomoto si Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ng Pangulo na sinadya niyang hindi bomoto para walang sumama ang loob sa mga kandidato sa kanilang lugar sa Davao City.

Ayon sa Pangulo lahat ng kandidato na naglaban laban sa Barangay election ay pawang mga tagasuporta niya.

Inihayag ng Pangulo para walang maisumbat ang kanyang mga supporters sa Barangay ay hindi na lamang siya bomoto para walang samaan ng loob.

Boboto sana ang Pangulo sa Daniel R. Aguinaldo National High-school sa Matina, Davao City subalit hanggang sa magsara ang botohan hindi na sumipot ang Pangulo bagkus bumalik na lamang ito sa Malakanyang.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *