Pangulong Duterte, nananatiling aktibo at malusog – Sec. Tolentino

Nananatiling malusog ang pangangatawan at aktibo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Secretary Francis Tolentino, Presidential Adviser for Political Affairs sa mga kumukwestyon sa kalusugan ng Pangulo at mga nagsasabing bibihira na lamang makita ang Pangulo sa mga natatanging okasyon.

Sa katunayan, sinabi ni Tolentino na nasa Cebu ngayon si pangulong Duterte para mamigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Mandaue city.

Naghahanda rin ang Pangulo para sa kaniyang State visit sa Israel sa September 2 na aabot ng mahigit siyam na oras ang biyahe.

Kung mahina na aniya ang katawan ng Pangulo ay hindi na sana matutuloy ang biyahe nito sa Gitnang Silangan.

Kung ang kwestyon dito ay kalusugan ay palagay ko mali ang nagsasabing mahina ang katawan ng Pangulo. Mahirap bumiyahe ng halos sampung oras, nakakapagod yun. Aktibo pa ang Pangulo kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling yung ganyan na hindi na aktibo”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *