Pangulong Duterte nauubos na ang pasensya sa grupong Kadamay

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay na hindi siya mangingiming gumamit ng kamay na bakal para putulin ang sungay ng grupong Kadamay.

Sinabi ng Pangulo na kung uumpisahan ng Kadamay ang gulo talagang magkakagulo dahil ipatutupad na ng pulisya ang batas.

Ayon sa Pangulo huwag siyang subukan ng Kadamay dahil hindi na siya tatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

Niliwanag din ng Pangulo na una at huli na ang pagpayaag niya sa Kadamay nang agawin ang pabahay ng gobyerno para sa mga sundalo at pulis noong 2017.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *