Pangulong Duterte, suking biktima ng Fake news- Malakanyang

Binatikos ng Malakanyang ang mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang katotohanan ang kumalat na balita sa social media na nakonfine si Pangulong Duterte sa Cardinal Santos Medical Center.

Ayon kay Panelo naging abala ang Pangulo sa mga paper works sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago sa PSG Compound sa Malakanyang Complex.

Tuwing napapaulat na nakaconfine ang Pangulo sa hospital ay lagi itong pinabubulaanan sa pamamagitan ng pagpapakuha ng larawan hawak ang latest issue ng pahayagan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *