Pangulong Duterte, umalis na papuntang China

Umalis na si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Beijing China.

Ang Pangulo ay dadalo sa tatlong araw na Belt and Road Forum mula Abril 24 hanggang Abril 27.

Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Premier Li Kequiang.

Sinabi ng DFA na walang katiyakan kung tatalakayin ng Pangulo kay President Xi Jinping sa kanilang bilateral meeting ang ukol sa isyu sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Inihayag ng DFA na limang kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pakikipagpulong ng Pangulo kay President Xi Jinping na may kaugnayan sa edukasyon, anti corruption, illegal drugs campaign, regional security at economic issue.

Inaasahan namang babalik sa bansa si Pangulong Duterte sa Sabado ng gabi sa Davao City.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *