Pasok sa mga hukuman sa NCR suspendido hanggang ngayong araw dahil sa bagyong Ulysses

Nanatiling suspendido ang pasok sa mga korte sa Metro Manila ngayong araw,  November 12.

Ipinagutos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang suspensyon dahil sa bagyong Ulysses.

Sakop ng work suspension ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at mga lower courts sa NCR.

Ipinauubaya ni Peralta sa mga Executive Judge sa mga apektadong lugar sa labas ng Metro Manila ang pagdedeklara ng suspensyon ng pasok.

Moira Encina

Please follow and like us: