Pasok sa mga tanggapan ng Gobyerno, half-day lamang bukas, March 28-Malakanyang


Nagdeklara na ng Suspension of Work sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan bukas March 28, Miyerkules.

Batay sa Memorandum circular no. 43, hanggang 12:00 ng tanghali na lamang ang pasok sa mga tanggapan ng Gobyerno bukas.

Ayon sa Memorandum circular na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, half-day lamang ang pasok sa tanggapan ng pamahalaan para bigyan ng pagkakataon ang mga uuwi sa probinsiya kaugnay ng Semana Santa ng mga Katoliko.

Ang suspensyon ng trabaho sa pribadong sektor ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa management ng mga pribadong kumpanya.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *