Tatlong Director ng PCOO, pinadalhan na ng show cause order dahil sa mali-maling grammar sa MPC ID

Pinagpapaliwanag na ni Presidential Communications operations office Secretary Martin Andanar ang kanyang tatlong director na responsable sa mali-maling grammar sa ID ng Malacanang Press corps.

Ayon kay Andanar, pinadalhan na niya ng show cause order ang tatlo noong Biyernes.

Sinabi ni Andanar na binigyan niya ng 72 oras ang tatlong director na magpaliwanag subalit hanggang ngayon ay wala pang sumasagot.

Ayon kay Andanar, maaring isa o dalawa ang inaasahang sasagot sa kanyang show cause order.

Nanindigan pa si Andanar na hindi niya nakita ang likod ng ID bago ipinamahagi sa MPC.

Nabatid na ang International Press center ang gumawa ng ID ng MPC.

Mali rin umano ang electronic signature ni Andanar na ginamit ng IPC.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *