Patuloy na pagkakaantala ng pagpapatibay ng 2019 National Budget, makakaapekto sa ekonomiya ng bansa – Malakanyang


Aminado ang Malakanyang na may masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaantala ng pagpapatibay ng 2019 National Budget at patuloy na paggamit ng re-enacted budget.

Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na higit na apektado sa patuloy na paggamit ng re-enacted budget ay ang mga infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration.

Ayon kay Lambino batay sa pagtaya ng mga Economic managers ng pamahalaan apektado rin ng re-enacted budget ang gross domestic product growth na makakasama sa ekonomiya ng bansa.

Inihayag ni Lambino na kailangang mapagtibay na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang 2019 proposed National Budget bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Niliwanag ni Lambino kailangang maumpisahan ang mga infrastructure projects na popondohan ng 2019 National Budget bago pumasok ang Election ban ng Commission on Elections.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *