PDEA, nagtayo ng Training Facility para sa K-9 dogs

Naglaan ng 21 milyong piso ang Philippine Drug Enforcement Agensy o PDEA para sa pagpapatayo ng pasilidad na magsisilbing sanayan ng mga Narcotic Detection dogs o NDD’s.

Ang K-9 unit facility ay itatayo sa San Jose Del Monte, Bulacan at may lawak na 5,000 square meters na lote.

Naniniwala si PDEA Director-General Aaron Aquino na mapapalakas nito ang Anti-drug operation.

Sa unang pagkakataon kukuha ng 100  ang PDEA na pinakamarami simula nang maitatag ang ahensya.

Sa ngayon 72 NDDS ang mayroon ang PDEA.

34 mula sa nasabing bilang ay nakakalat sa iba’t ibang tanggapan ng PDEA at 13 ang nasa NCR- regional office.

Kukuha din ang PDEA ng 100 k-9 handlers na magsasanay sa mga NDDS.

Ang mga kinuhang NDDS at K-9 handlers ay ide-deploy sa mga pantalan at paliparan at maging sa mga kulungan.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *