Physical at Social effects ng paggamit ng gadgets dapat bantayan- ayon sa mga eksperto

Sa ginawang pagsusuri ng grupo ng mga Spine surgeons, napatunayan nila na ang mahabang oras na paggamit ng anumang uri ng gadgets ay nagdudulot ng pananakit ng leeg at itaas  na bahagi ng likod.

Ayon sa naturang mga eksperto, patuloy na, dumarami ang mga pasyenteng dumadaing ng pananakit ng  neck  at  upper back pain.

Ito raw ay sanhi ng  maling postura  o madalas na nakayuko ng mahabang oras habang ginagamit ang cellphones at iba pang gadgets.

Kaya naman, payo ng mga doktor,  huwag yumuko ng mahabang oras kapag ginagamit ang anumang gadgets upang maiwasan ang pananakit ng leeg at likod.

Kapag masakit na ang leeg at likod maglagay na ng hot compress at masahihin na ito.

Ilan lang ito sa sinasabing physical effects, bukod pa sa social effect na maaaring ibunga sa paggamit ng gadgets ng mahabang oras.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *