Pitong milyong katao namamatay dahil sa Air pollution, ayon sa WHO
Inilunsad ng Health care without harm, ang “Health care for Cleaner air Alliance upang bigyang solusyon ang suliranin ng air pollution sa bansa.
Ayon kay Ramon San Pascual, Executive Director ng Health care without Harm, dapat na maging maingat sa lahat ng ating ginagawa dahil nakasalalay dito ang ating kalusugan.
Kabilang dito ang hanging ating nalalanghap, – aniya, kung ito ay marumi, napakaraming sakit ang maaaring makuha sa paglanghap ng maruming hangin sa kapaligiran.
Kabilang dito ang sakit sa puso, stroke, chronic obstructive pulmonary disease, lung cancer at pneumonia.
Samantala, ayon sa World Health Organization o WHO., pitong milyong katao ay namamatay taon taon dahil sa pagkakalantad sa polluted air.
Binibigyang diin ng mga dumalong health professionals at environmental and health advocates na responsible sila upang ipagtanggol ang publiko laban sa mapanganib na sakit na dulot ng air pollution.
Ulat n Belle Surara