Planong gawing state witness si Janet Napoles sa pork barrel scam hindi pa natatalakay kay Pang. Duterte ayon sa Malakanyang

 

Hindi pa napag-usapan sa huling cabinet meeting ang lumulutang na ideya na gawing state witness si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles para muling buhayin ang imbestigasyon sa multi- bilyong pisong pork barrel scam noong panahon ng Noynoy Aquino administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hindi nabanggit sa pulong ng gabinete ang isyung gawing state witness si Napoles sa pork barrel scam.

Ayon kay Abella ang tanging nabanggit ni Solicitor General Jose Pangulo ay ang mahinang ebidensiya kay Napoles sa kasong serious illegal detention kay Benhur Luy  kaya ito pinawalang sala ng Court of Appeals.

Batay sa report inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pinag-aralan na ng kanyang tanggapan na gawing state witness si Napoles sa isasagawang re-investigation ng pork barrel scam.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *