Tatlumpung kaso ng EJK, nililitis na sa mga korte sa bansa – DOJ

Iniulat ng gobyerno ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council na tatlumpung kaso ng extra-judicial killings ang sumasailalim sa paglilitis ng mga korte sa bansa.

Sa kanyang report sa UNHRC, sinabi ni Justice Undersecretary Reynante Orceo na 1,089 na insidente ng EJK ang dumaan sa validation ng binuong inter-agency committee noong 2012.

Mula sa nasabing bilang ay tatlumpu ang nasa hukuman na.

Tinukoy ni Orceo na noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nilagdaan ang  Administrative Order Number 35 na lumikha sa inter-agency committee na tututok sa mga kaso ng EJK kaugnay sa mga pagpatay sa mga myembro ng cause- oriented group , myembro ng media, labor group at environmental advocate.

Nag-isyu naman si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng Department Order 120 na nag-aatas sa  DOJ at NBI na imbestigahan ang mga pagpaslang na may kaugnayan sa  kampanya kontra iligal na droga.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *