Planong imbestigasyon ng Senado at DOJ kay SolGen Jose Calida, welcome sa Malakanyang

Pabor ang Malakanyang sa ikinakasang inbestigasyon ng Senado at Department of  Justice o DOJ kay Solicitor General Jose Calida.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkaka-alaman kung may conflict of interest sa panig ni Calida sa pagkakakuha ng security agency na pag-aari ng kanyang pamilya sa mga kontrata sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Roque maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naniniwala rin na walang conflict of interest kay Calida kaya hindi ito sisibakin sa puwesto.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos maghain ng resolusyon ang minority group sa Senado na humihiling na imbestigahan si Calida.

Maging ang Department of Justice ay nagpahayag na rin ng kahandaan na imbestigahan si Calida.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *