PNP Chief Albayalde maaaring makasuhan pa ng Accesory after the Fact sa kaso ng Ninja cops

Maaaring makasuhan pa si PNP Chief Oscar Albayalde ng Accesory after the Fact sa recycling ng shabu ng mga tinaguriang Ninja cops.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, lumilinaw ngayon ang mga detalye na nagkaroon ng cover-up sa pagitan ni Albayalde at grupo ni Major Rodney Baloyo matapos ang nakakagulat na rebelasyon ni Retired General Lacadin.

Nakokonekta na aniya ngayon ang mga pangyayari kung bakit hindi na dismiss ang mga pulis na dawit sa Drug recycling .

Bagamat wala aniyang ebidensya na direktang magdidiin laban kay Albayalde pero ang pang-aarbor o pagtatakip sa mga tauhan ay malinaw na paglabag sa batas.

Hinamon ni Lacson si Albayalde na kung wala itong kasalanan dapat ito ang mag-utos ng pagsibak sa mga dating tauhan at pirmahan ang kanilang dismissal order.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *