PNP, nakahanda sa inaasahang Labor day protest…..Maximum tolerance tiniyak

 

Handa ang Philippine National Police o PNP para sa mga kilos protesta na nakatakdang isagawa ng iba’t-ibang grupo bukas sa pagdiriwang ng International Labor day.

Ayon kay PNP Director General Oscar Albayalde, inaasahan nila ang mga kilos protesta sa Labor Day na taun-taon na nangyayari tuwing pagsapit ng May 1.

Subalit, nabatid na ngayong taon, inaasahan na mas marami ang sasali sa mga protesta matapos na hindi naglabas ng Executive order si Pangulong Duterte laban sa contractualization.

 

=============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *